
Ang mga tatlong proyekto ng #ProjectBones ngayong panahon ng tag-init
Sa kaalaman ng karamihan, may tatlong proyekto ang Project Bones ngayong panahon ng tag-init na kung saan puwedeng kalahukan ang mga taga-hanga ng Bones. Ano man ang iyong kulay, hugis at sukat, ay maaari kang sumali. Nakasaad sa pahinang ito ang lahat ng mga deskripsiyon at panuto ng bawat proyekto para sainyong kaginhawahan. May mga kaunting bagay na nabago kaya paki-basa na lang po ng maayos!
Ang Pandaigdigang Mapa ng Bones:
Pagwawari-wari:
Sa Estados Unidos man orihinal na ipinalalabas ang Bones, ang mga taga-hanga naman nito ay paniguradong hindi sa nasabing bansa lamang limitado. Sa katunayan, milyon na ang inaabot ng mga taga-hanga sa buong mundo. Layunin naming gumawa ng mapa gamit ang mga litrato ng lahat ng mga nagmamahal sa programa.
Ano ang aking gagawin?
Mag-email lamang ng litratong iyong napili sa gummypjs@gmail.com kasama ang lugar sa mundo kung saan ka nanggaling. Meron kaming ginagamit na bagong software kaya ang sukat ay hindi ganon kaimportante. Kailangan lamang na ang litratong ipapadala ay hugis parisukat at nasa ayos na .jpg! Hindi na kailangan ng pangalan! Ang lugar lang kung nasaan ka naroroon ang importante. Pagsasama-samahin namin ang mga litratong inyong naipadala at gagawin itong photomosaic na mapa ng daigdig. Makikita ang halimbawa dito: http://yfrog.com/gy5bruusj
Maaari ba kaming makakuha nito?
Puwede kayong makakuha nito sa Snapfish.com. Hanapin lamang ang grupo ng Project Bones para saiyong nais na order. Puwede itong gawing karatula, baso, art na naka-kwadro (kahit na anong iyong mapusuan).
Layunin naming matapos ito at i-abot ang karatula ng nasabing mapa kay Hart Hanson at iba pa sa Comic Con! Hanggang sa ika-30 ng Hunyo ang huling araw ng pagpapasa ng inyong mga padalang litrato. WALANG PALUGIT!
Ikalawang Proyekto : Ang “Baby Book”
Ideya:
Dahil nakiki-isa tayo sa selebrasyon ng kapanganakan ni Michael Staccato Vincent Hodgins at ni Baby Brennan-Booth (pati na rin ang sanggol ni Emliy), tara na’t gumawa ng Bones Baby Book! Katulad rin ito ng Bones Yearbook, na parehas na naglalayong ipagbunyi ang sari-saring pagkakaiba ng mga taga-hanga sa buong mundo.
Ano ang aking gagawin?
Para makasali, magpadala lamang ng email kasama ang iyong pangalan, litrato mo noong SANGGOL o BATA (hanggang sa edad na apat o limang taong gulang an gaming tinatanggap, pero kung mayroon ka namang kopya ng litrato noong sanggol/bata ka pa ay mas maganda iyon) ka pa; Isama mo na rin ang araw ng iyong kapanganakan – kung anong Buwan at Araw sa ayos na BB/AA (Sa pamamaraang amerikano) sa gummypajs@gmail.com na nakalahad ang Baby Book sa paksa. Ang mga pahina ay hahatiin depende sa buwan at araw kaya PAKIUSAP, huwag kalimutang isama ang iyong araw ng kapanganakan!! Ang litratong ipapadala ay dapat na may sukat na 48x48 at nasa ayos .png, .gif, o .jpg. Kung wala kang litrato ng iyong sarili, pupwede mo ring ipadala ang litrato ng isa saiyong mga anak. Ninanais naming marami ang makasali kaya dali, magpadala na!
Maaari ba kaming makakuha nito?
Gaya ng Bones Yearbook, ang Baby Book ay maililimbag sa Lulu.com kung nais mong magkaroon ng kopya. Ang KASAMA LAMANG sa iyong gagastusin ay ang pagpapa-print at ang bayad sa pagpapadala nito sa iyo. Ang ibabayad mo ay direktang mapupunta sa lulu kaya naman WALA NA KAHIT NA SINO SA MGA TAGA-HANGA ang kikita ng pera mula dito.
Ikatlong Proyekto: Ang Baby Shower
Isang pamamaraan na naisip namin para ipagdiwang ang “Baby Shower” ng dalawa nating paboritong pares – gayundin ang magiging anak ni Emily, ay ang pagtulong sa kapwa. Mamarapatin niyo bang magbigay ng donasyon sa Ospital ng Shriners para sa mga Bata o kaya naman sa Stand Up To Cancer? Ito ay dalawa sa mga kahanga-hanga at pinaka-magandang adhikain sa lahat ng mga organisasyon na ang tanging gustong maatim ay makagawa ng pagkakaiba sa mundong ito. Narito ang mga link na puwede niyong puntahan kung nais niyong magbigay ng donasyon:
Shriners: http://support.shrinershospitals.org/goto/ProjectBones o
Stand Up To Cancer: http://www.standup2cancer.org/custom/?c=team&a=index&id=5101
Ang perang inyong ipapadala ay mapupunta deretso sa kawanggawa, at HINDI dadaan sa aming mga kamay. Nilalayon naming makalikom ng apat na libong dolyares ($4000.00) o dalawang libong dolyares ($2000) kada organisasyon. Nais naming bigyang parangal ang palabas na nagtipon at nagpakilala sa atin ng mga tunay at panghabang-buhay na mga kaibigan – kaya namin itinayo ang site na ito para maging daan ng mga taga-hanga na magbigay pabalik. Tayo na’t ipagpunyagi ang buhay at ating ipakita kung gaano talaga KALAKI ang mga puso ng mga taga-hanga ng Bones!!
Ninanais naming makapag-presinta ng “baby book” kay HH at iba pa sa ComicCon kasama ng kabuuang suportang pang-pinansyal. Ang huling araw ng pagpapadala para MAKASALI SA BOOK ay hanggang sa ika-30 ng Hunyo lamang. Ang paglilikom naman ng pera ay hanggang sa katapusan ng panahon ng tag-init.
Nawa ay matulungan ninyo kaming palaganapin at ipahayag ang adhikain naming ito.
Salamat,
Team Project Bones
-
brennanisles reblogged this from thnx4thegum
-
thnx4thegum posted this