
Mabuhay! Mga taga-hanga ng #Project_Bones!
Sobrang dami ng mga pangyayari nitong mga nakaraang araw at gusto kong ibahagi sainyo ang nakagagalak na mga balita!
Una, marami sainyo ang mga nagpakalat at patuloy na nanghihikayat na sumali sa ating mga proyekto at ito ang mga kasalukuyang patunay.
- Tayo ngayon ay nasa walumpo’t pitong porsiyento (87%) na ng paglilikom ng dalawang libong dolyares ($2000) para sa Ospital ng Shriners para sa mga bata (Shriners Hospitals for Children)
- Kasalukuyang nasa pitumpu’t anim na porsyento (76%) naman tayo ng paglilikom ng dalawang libong dolyares ($2000) para sa Stand Up 2 Cancer
- Dalawang raan at tatlumpo’t lima (235) na rin ang nagpasa sa Pandaigdigang Mapa ng Bones (Bones World Map). Ito ay limampu’t siyam na porsiyento (59%) na ng ating kabuuang layunin na apat na raang (400) kalahok pagpatak ng ika-30 ng Hunyo. Mahigit-kumulang tatlumpong (30) mga bansa na ang kasali!
- Isang daan at walumpo’t siyam (189) naman ang nagpasa na sa ating “Baby Book”. Nangangahulugang nasa apatnapu’t pitong porsiyento (47%) na tayo ng ating kabuuang layunin na tatlong daang kalahok!
MARAMI kaming natatanggap na mga katanungan mula sainyo. Kaya gumawa kami ng mga puntos para madali ninyong masundan ang mga pangyayari.
- Hindi dumadaan saamin ang perang naipadala at ipapadala niyo pa lamang. Maging para sa Shriners man iyan o sa Stand Up to Cancer; bagkus, direktang napupunta ito sa mga kahanga-hangang organisasyong nabanggit. Parehas din silang tumatanggap ng donasyon mula sa iba’t-ibang panig ng mundo (sundin lamang ang panuto). Bukod pa rito, ang Shriners ay tumatanggap rin mula sa PayPal kaya ang pagkakaroon ng credit card ay hindi na kinakailangan. Para makapunta sa page ng Project Bones, i-click lamang ang mga sumusunod: Ospital ng Shriners para sa mga bata (Shriners Hospitals for Children) at Stand Up 2 Cancer (kaanib natin ang Team Boreanaz)
- Alam namin na ang iba ay talagang hindi makapagbibigay ng pinansyal na suporta sa kung ano mang mga kadahilanan. Gusto naming ipabatid na naiintidihan namin iyon. Kaya naman merong mga proyekto katulad ng Pandaigdigang Mapa ng Bones (Bones World Map) at ang “Baby Book”: mga proyektong LIBRE, ang kailangan lang gawin ay magpasa ng litrato. Ang mga proyektong nabanggit ay ginawa para sa pagpapalawig ng ating kamalayan. Ito talaga ang aming hangarin!
- Para makasali sa Pandaigdigang Mapa ng Bones (Bones World Map), magpadala lamang ng email ng iyong litrato (.jpg) o ang iyong lokasyon sa gummypjs@gmail.com
- Para makasali sa “Baby Book”, magpadala lamang ng iyong litrato noong bata ka pa o kung gusto mo naman, pwede rin ang litrato ng iyong mga anak. Isaad na rin ang pangalan, kasama ang araw ng kapanganakan. Siguraduhing naka-48x48 pixels ang sukat litrato (mukha mang maliit, maganda naman ang kalalabasan nito, magtiwala kayo!). Muli, ang email address ay gummypjs@gmail.com
- Nilalayon naming makapag-presenta ng kopya ng mapa, ng “baby book” at ng pinagsamang kabuuan na apat na libong dolyares o $4000 (mas maganda kung makakapag-abot tayo ng mas marami pa!) kay Hart Hanson at iba pa sa Bones panel – o kaya sa pila ng pagpapapirma ng autograph – sa Comic Con. Batid ng Fox at suportado nila tayo sa ating mga hangarin kaya naman naniniwala kami na hindi tayo magkakaroon ng problema sa pag-aabot ng mga proyektong ito sakanila. Ang paglilikom natin ng pera para sa parehas na organisasyon ay hanggang sa katapusan pa ng taong dalawang libo’t labing-isa (2011)!!!
Tignan ang ilan sa mga patotoo ng mga taga-hanga!
Antabayanan ang mas marami pang kwento at karanasan ng mga tao sa Shriners pati na rin ang mga patotoo ukol sa Cancer mula mismo sa mga taga-hanga sa susunod na linggo. Kung meron kang SARILING karanasan na gusto mong ibahagi, ipag-bigay alam sa amin agad-agad. Magpadala ng email sa ProjectBones2011@gmail.com
Maraming Maraming SALAMAT sa inyong pakikipag-kalahok!
Team Project Bones